Wednesday, October 5, 2011

ikaw sa buhay ko..

akala ko tuluyan ng masisira na ang buhay ko ng dahil sa pagkawala nya. Dinala ko ang pighati at kalungkuatanng npakatagal n panahon. Unti- unti sinira lahat ng meron ako dahil sa pagkawala niya sa akin. Parang wala ng patutunguhan pa ang buhay ko. iba-ibang derection ang tinatahak. Matagal na panahon akong nagsissi ng dahil sa decision ko. ikinulong  at binuhay ko ang sarili ko sa lungkot at kawalang pag-asa. Walang ilaw na masilayan, ni walang makapitan. Gumapang sa putikang parang walang hangganan.




hanggang sa dumating ka. Ikaw na bumago sa buhay ko. Nagsilbng ilaw at sandalan sa buhay na ito. Ang aking lakas upang harapin lahat ng problema. Ang aking dahilan upang harapin ang bagong bukas. Tinanggap mo ako ng buo pati lahat ng kamalian ko. Di binitawan bagkos iyong tinulongan. Di mo pinabayaan. Di mo ko hinayaang muling malugmok sa putikan. Sinmulan mong baguhin at ayusin ang buhay ko. iyong hinilom at ginamot lahat ng sugat na meron ako.


 Minahal kita hindi lang dahil sa lahat ng ginawa mo sa buhay ko. Minahal kita dahil mahal kita.. WALANG DAHILAN.  kung meron man, ayuko ng hanapin. basta ang mahalagi ei MAHAL KITA.

No comments:

Post a Comment